BAKIT KAYA HINDI KA GUSTO NG CRUSH MO
Marami sa atin ang nagtatanong sa sarili, kung bakit hindi tayo gusto ng gusto natin. Bakit kaya? Ano ba ang kulang? Ano ba ang dapat ayusin sa sarili mo? ano ba ang hindi niya gusto sayo? Bakit sa tuwing nakikita ka niya eh naiirita siya sayo? Bakit kaya?
Well, real talk tayo dito, una tumingin ka sa salamin. Ano ang tingin mo sa sarili mo? Maayos ba? Hindi namang kailangan gwapong gwapo at magandang maganda ka. Dahil wala sa itsura ang basehan ng pag-ibig. Pero , Tignan mo muna mabuti ang sarili mo mula ulo hanggang paa, sa tingin mo ba magugustuhan ka na ng taong gusto mo? Eh baka naman may mga katangian ka na nakaka turn off?
Baka naman mabaho ang hininga mo? O naninilaw yang mga ipin mo? puro tartar pa. Aba eh kahit sino hindi ka magugustuhan, baka yang kuko mo eh napakahaba at napaka dumi na pwede ng pagtaniman ng kamote? o baka naman may mga alaga ka na naghahabulan sa ulo mo, na inaalagaan mo ng ilang taon abay turn off din yan. O kaya naman ang baho baho mo , may putok ka pag pinagpapawisan ka? Aba'y gamit gamit din ng deodorant? Oh baka panay sleeveless mo at panay taas mo sa kili kili mo, sobrang itim naman?? Aba aba hindi talaga uubra yan, sa kahit sino. Kahit naman ikaw ma tuturn off diba? dapat meron kang proper hygiene. Alam mo naman siguro ang proper hygiene? Matuto kang maglinis at mag- ayos ng sarili mo. Dahil kadalasan ang ibang tao diyan , unang tumitingin sa kalinisan ng isang tao. Di importante ang itsura basta lagi kang malinis, maayos at mabango. Kung walang perang pang maintain, may mga murang beauty tips o home remedy na makikita mo o mababasa sa google o you tube, pwede ka mag research dito.
So okay na tayo sa proper hygiene?
Tignan naman natin ang pag uugali mo, baka naman gwapo ka nga, maganda ka, may proper hygiene ka nga. Pero saksakan naman ng sama ang pag- uugali mo. Yung tipong napakayabang mo, bastos mo magsalita, pala mura ka, wala kang galang sa magulang, hindi ka marunong makisama dahil tingin mo sa sarili mo ay napakataas mo.
Wala kang respeto sa babae o sa ibang tao. At iba pang mga pag- uugali na nakakasuka at nakaka turnoff. Aba ,aba baguhin mo na yan, alam na alam mo na kahit gaano ka kaganda, o gaano ka kagwapo kung napaka sama ng ugali mo, walang magkakagusto sayo. Kung meron man? yun yung mga taong gusto ka lang dahil sa itsura mo. For me, walang matinong tao na gugustuhin ka lang dahil sa itsura mo, kahit alam niyang nakakasuka ang ugali mo. Para siyang naghanap ng bato na ipu pok pok niya sa ulo niya.
Syempre kung ako ang tatanungin? mas gugustuhin ko yung maayos ang pag- uugali, may proper hygiene at higit sa lahat yung may takot sa Diyos, napaka importante niyan. Dahil ang isang taong may takot sa Diyos? Meron yang malinis na puso. Hindi yan magloloko dahil takot siya sa Diyos at alam niya kung ano ang tama at mali.
Hindi natin kailangang magpaka perpekto, para magustuhan ka ng taong gusto mo, be yourself, magpakatotoo ka, ipakita mo sa buong mundo ang tunay na ikaw. Wag kang plastic na akala mo napakatino mo, hindi naman pala.
Ipakita mo yung ikaw, pwede namang magbago ka para sa taong gusto mo dahil gusto mo siya at gagawin mo ang lahat para magustuhan ka niya. Gagawa ka ng paraan para alamin , kung ano ang mga gusto at ayaw niya. Para sa ganun mapag- aralan mo kung ano ang mga dapat mong gawin at ikilos.
Pero , paano kung sa kabila ng 100% mong effort na ginagawa para magustuhan ka niya eh wala pa din, bale wala pa din sa kanya. Yung tipong ginawa mo na ang lahat para magustuhan ka din niya, pero wala talaga. Aba! mag- isip isip ka na. Hindi masamang gumive up. Bakit? Ang dami daming tao sa buong mundo, na mas ma aappreciate ka. Andami daming tao, na kaya kang gustuhin at mahalin sa kung ano ka man at sino ka man. Wag mong gawing kawawa ang sarili mo sa mga taong , hindi ka binibigyan ng pagpapahalaga.