Ang Aking Tungkulin by: KA JEH
Ang Aking Tungkulin
by: Ka Jeh 🇮🇹
Maipapagmamalaki kong ako ay marangya. Sapagkat natamo ko ang tunay na biyaya. Hindi man ito sa materyal na bagay. O mga yaman man na panglupa. Masasabi kong ito ang tunay na biyayang galing sa AMA na tunay na mapagpala.
Ito ang tungkuling kaloob ng aking AMA, ang siyang sa akin ay nagpapasigla. Madami mang pagsubok at mga bagabag. Ngunit ako ay magiging panatag. Sapagkat ikaw AMA ang nagpapatatag sa pananampalatayang aking hawak.
Sa tuwing tumutupad ng aking tungkulin. Ito ang tunay na nagpapasaya sa akin. Walang halong pag aalinlangan ito ay tutupadin, ng taos sa puso at may saya sa damdamin.
Hindi man ako perpekto Ama. Pero iyo pading ipinagkatiwala, ang tungkulin bigay mo na tunay na biyaya. Aking pakamamahalin, iingatan at palaging tutupadin.
Salamat Ama, kahit ako ay nagkakasala, patuloy mong ipinaparanas ang iyong pagpapala. Patuloy na nakakatupad ng Aking Tungkulin. Tungkuling aking pakamamahalin , ipagsasanggalang at yayakapin.
-Jeroene delos Santos