Posts

BAKIT KAYA HINDI KA GUSTO NG CRUSH MO

Marami sa atin ang nagtatanong sa sarili, kung bakit hindi tayo gusto ng gusto natin. Bakit kaya? Ano ba ang kulang? Ano ba ang dapat ayusin sa sarili mo? ano ba ang hindi niya gusto sayo? Bakit sa tuwing nakikita ka niya eh naiirita siya sayo? Bakit kaya?  Well, real talk tayo dito, una tumingin ka sa salamin. Ano ang tingin mo sa sarili mo? Maayos ba? Hindi namang kailangan gwapong gwapo at magandang maganda ka. Dahil wala sa itsura ang basehan ng pag-ibig. Pero , Tignan mo muna  mabuti ang sarili mo mula ulo hanggang paa, sa tingin mo ba magugustuhan ka na ng taong gusto mo? Eh baka naman may mga katangian ka na nakaka turn off?  Baka naman mabaho ang hininga mo? O naninilaw yang mga ipin mo?  puro tartar pa. Aba eh kahit sino hindi ka magugustuhan, baka yang kuko mo eh napakahaba at napaka dumi na pwede ng pagtaniman ng kamote? o baka naman may mga alaga ka na naghahabulan sa ulo mo, na inaalagaan mo ng ilang taon abay turn off din yan. O kaya naman ang baho baho mo , may putok ka

Ang Aking Tungkulin by: KA JEH

Ang Aking Tungkulin by: Ka Jeh 🇮🇹 Maipapagmamalaki kong ako ay marangya. Sapagkat natamo ko ang tunay na biyaya. Hindi man ito sa materyal na bagay. O mga yaman man  na panglupa. Masasabi kong ito ang tunay na biyayang galing sa AMA na tunay na mapagpala.  Ito ang  tungkuling kaloob ng aking AMA, ang siyang sa akin ay nagpapasigla. Madami mang pagsubok at mga bagabag. Ngunit ako ay magiging panatag. Sapagkat ikaw AMA ang nagpapatatag sa pananampalatayang aking hawak.  Sa tuwing tumutupad ng aking tungkulin. Ito ang tunay na nagpapasaya sa akin. Walang halong pag aalinlangan ito ay tutupadin, ng taos sa puso at may saya sa damdamin.  Hindi man ako perpekto Ama. Pero iyo pading ipinagkatiwala, ang tungkulin bigay mo na tunay na biyaya. Aking pakamamahalin, iingatan at palaging tutupadin.  Salamat Ama, kahit ako ay nagkakasala, patuloy mong ipinaparanas ang iyong pagpapala. Patuloy na nakakatupad ng Aking Tungkulin. Tungkuling aking  pakamamahalin , ipagsasanggalang at yayakapin.  -Jero