BAKIT KAYA HINDI KA GUSTO NG CRUSH MO
Marami sa atin ang nagtatanong sa sarili, kung bakit hindi tayo gusto ng gusto natin. Bakit kaya? Ano ba ang kulang? Ano ba ang dapat ayusin sa sarili mo? ano ba ang hindi niya gusto sayo? Bakit sa tuwing nakikita ka niya eh naiirita siya sayo? Bakit kaya? Well, real talk tayo dito, una tumingin ka sa salamin. Ano ang tingin mo sa sarili mo? Maayos ba? Hindi namang kailangan gwapong gwapo at magandang maganda ka. Dahil wala sa itsura ang basehan ng pag-ibig. Pero , Tignan mo muna mabuti ang sarili mo mula ulo hanggang paa, sa tingin mo ba magugustuhan ka na ng taong gusto mo? Eh baka naman may mga katangian ka na nakaka turn off? Baka naman mabaho ang hininga mo? O naninilaw yang mga ipin mo? puro tartar pa. Aba eh kahit sino hindi ka magugustuhan, baka yang kuko mo eh napakahaba at napaka dumi na pwede ng pagtaniman ng kamote? o baka naman may mga alaga ka na naghahabulan sa ulo mo, na inaalagaan mo ng ilang taon abay turn off din yan. O kaya naman ang baho baho mo , may putok ka